"Wala na tayong dapat pag-usapan Robert kaya kung maari umalis ka na.  Sya nga pala si Xando boyfriend ko," pakilala ni Lynette kay Xandro.
             Pinagmasdan agad ni Robert si Xandro mula ulo hanggang paa.  Kaya tumabi agad si Xandro kay Althea at nakangiting inakbayan ito. Tinitigan din ni Xandro si Robert.
             "Ah ito pala si Xando,” sabi ni Robert na halatang minamaliit si Xandro sa mga tingin nito, “ang mahirap na bata sa lumang train station.”
             "Hoy huwag ka ngang ganyan akala mo kung sino ka at ganon-ganon ka na lang kung manlait ng tao," mabilis na pagtatanggol ni Veronica kay Xandro.
            "Huwag ka ngang makialam Veronica at hindi ka kasali sa usapan!" galit na pahayag ni Robert.