"Anong pinagsasabi mo riyan, isa siya sa mga empleyado ko at bilang kanyang boss ay responsabilidad ko na pangalagaan sila habang nasa loob sila ng tindahan ko. Ikaw ha hindi kita kaibigan, hindi ka rin customer ng tindahan ko kaya umalis ka na bago pa kita ipakaladkad papalabas sa isang tao na mas malakas sa iyo at alam mo na iyon kung sino!" utos nito kay Robert.
             "Hindi kaya masyadong maliit itong lugar mo para ipatapon palabas ang isang katulad ko ha!” panunuya ni Robert sa tindahan ni Veronica.
             "Maliit na kung maliit at least nasa pangalan ko lahat 'to eh ang sa 'yo sa magulang mo!" ganting panunuya ni Veronica.