"Pakiusap Robert umalis ka na, malapit na kaming ikasal ni Xando kaya wala ka nang magagawa," pahayag ni Lynette.
"Tama at ako ang Ninang," dagdag pa ni Veronica.
"Anong sinabi mo pakakasalan mo 'to, tingnan ko lang kung mapapalampas ito ng mga lolo at lola," sagot ni Robert.
"Eh magsumbong ka ganon ka i-draft mo report mo, tanggapin mo na lang walang may gusto sa iyo dito maski ako. Sigi Alis! Good Bye!” sabat ni Veronica.
"Pare umalis ka na narinig mo naman tinangap na ni Lynette ang proposal kung magpapakasal na kaming dalawa. Ako ang mahal ni Lynette at hindi ikaw, anong magagawa ko. Magpakatatag ka, harapin mo ang katotohanan at matuto kang tumanggap ng pagkatalo na may class gaya ng isang mayamang lalaking katulad mo,” bahagyang nakangiting sabi