"Mabuti pa nga at dagdagan mo na rin ng pizza at softdrink, ubusin mo na 'tong pera para makakain pati ang mga Saleslady at ang tahimik nating Security Guard.
              Pagkaabot ng pera ay agad namang nagpaalam ni Xandro sa dalawa.  
              Pagkalabas ni Xandro, mabilis siyang naglakad papuntang bilihan ng pizza at agad na um-order.  Tapos nagtuloy naman siya sa isang kilalang Fast Food Chain at bumili ng maraming mga hamburger at malamig na softdrinks.   Habang naglalakad pabalik,  nadaanan ni Xandro ang isang sikat na bookstore at nakita niya ang maraming estudyanteng bumibili ng mga libro.  Minsan na rin siyang nakabili ng libro sa branch na 'yon natatandaan niya.  Lumakad nang mabilis si Xandro para makabalik agad siya sa Veron Appliance Center.  Naisipan ni Xandro na bumili na