plinaplano ba kayong masama laban sa akin?" pabirong hirit ng kadarating pa lang na si Veronica.
              "Oo magpapalibri kami sa iyo ni Xandro ng hamburger, kaya ilabas mo na ang pera mo't nagugutom na kami pareho," nakangising sagot ni Lynette.
              "Iyon lang ba...  akala ko kung ano na, ang mabuti pa'y ibili ko na kayong lahat habang wala pa masyadong customer," mabilis na sagot ni Veronica habang palingon-lingon at tingin nang tingin sa may pintuan na parang may inaabangang dumating.
              "Ako na lang po ang bibili Ma'm Veronica, tutal wala pa naman akong ginagawa," alok ni Xandro na napapatingin na rin sa pintuan dahil kay Veronica.