tubig ha?" nakangiting tanong ni Lynette.
              Hindi makasagot si Xandro, pilit niyang isinara ang bibig niya para hindi makita ni Lynette ang kanyang mga pangil.
              "Hoy ba't hindi ka sumasagot diyan?" natatawang tanong ni Lynette sa mukhang kinakabahang si Xandro.
              Nang makita ni Xandro na pinagtatawanan siya ni Lynette ay natawa na rin siya, kaya unti-unti niya na ring naramdaman na nawawala na uli ang mga pangil niya.  Hanggang sa mawala na nga ito nang tuluyan.
              "Oo sana, nauuhaw na kasi ako eh..." natatawang sagot ni Xandro kay Althea.  Mabuti na lang natawa ako kung hindi lagot...
              "Hoy anong ginagawa niyong dalawa diyan, may