Pinapasok naman agad ng babae si Zandro.
            “Saan ko po ba ito ibaba?” tanong ni Xandro habang buhat-buhat ang malaking refrigerator sa kanyang mga bisig.
            "Dito mo ilagay ang refrigerator." sabay turo sa gilid ng kusina.  
            Inilagay naman agad ni Xandro ang buhat-buhat na refrigerator.  Matapos ay lumabas para kunin ang Washing machine.  Pagkabalik niya itinuro naman agad ng magandang babae ang isang pintuan palabas ng bahay sa likuran.  Kinarga agad ni Xandro ang Washing Machine at inilagay sa sahig.  Maganda pala talaga ang bahay na nila, maski ang likuran ng bahay maganda rin ang pagkakagawa at pagkakapintura.
          Tapos niyaya na siya muli ng babae sa loob ng bahay.