isang bahay sa isang kilalang subdivision.  Alam ko ‘to.  Nagmaneho agad si Xandro. Habang nagmamaneho si Xandro nadaanan niya ang isang malaking Fast Food Chain. Aba punuan pa rin sa branch na ito, ang dami talagang kumakain rito tuwing mapapadaan ako.  Nang marating niya ang isang gasoline station, nagpasya siyang magpagasolina dito.  Maganda at mabilis ang serbisyo kaya nakaalis agad si Xandro.  Nang marating na ni Xandro ang address ay agad siyang nag-doorbell.  Nagustuhan ni Xandro ang kulay ng pintura ng bahay na pinuntahan niya.  Maya-maya lang ay lumabas ang isang magandang babae.  "Magandang umaga ho, delivery lang po Ma’am," bati ni Xandro.
           "Iyan na ba 'yong refrigerator saka washing machine na binili ni papa ngayong umaga?" tanong ng magandang babae.