nilapitan niyang isang malaking Refrigerator.  Binuksan naman agad ito ng Saleslady para makita ang loob nito. Tapos nilapitan din nito ang isang Washing Machine. Ipinaliwanag agad ng Saleslady ang mga special features nito. Maya-maya lang nakita ni Xandro na binabayaran na ng customer ang mga pinamili.  Tapos ay lumabas na agad ito. Tinawag naman agad si Xandro ng Saleslady para ikarga na sa Delivery van ang refrigerator at washing machine. Matapos maikarga ang mga ito sa likuran ng van, sumakay agad si Xandro sa front seat.  Tapos binuksan niya ang baon niyang juice at uminom.  Ang sarap talaga nito, pansin ni Xandro na nakangiti nang bahagya. “Pupunta na ako sa susunod kong delivery…” marahang sabi ni Xandro. Binasa niyang muli ang address ng delivery, naka-address ito sa