"Maiwan  ka na muna rito't marami pa akong tatawagan sa office ko."
             "Sigi po M'am Veronica."
              Naupong muli si Xandro sa malaking sofa at nanunood sa nakabukas na TV.  Nanghihinayang siya na hindi niya agad makikita si Althea.  Di bale darating din naman iyon mamaya. Ilang sandali lang, pumasok agad ang isang customer na naka itim na sunglasses at isang kilalang brand ng T-shirt . Sinalubong kaagad ito ni Xandro, "Good morning, sir."  Tinawag naman agad ni Xandro ang isang Saleslady para asikasuhin ang bagong dating na customer. Umupong muli si Xandro at tiningnan ang bagong cellphone niya habang inaasikaso naman ng Saleslady ang bagong dating na customer.  Tumingin-tingin ang customer sa mga appliances, tapos