"Halika balik tayo sa may sala namin.” Pumasok naman si Xandro at pinagmasdan ang buong kabahayan.
           “Okay na, papano magpapalam na ako, bye…” sabi ni Xandro na nakangiti rito.
            “Baket hindi ka muna maupo sandali,” alok at pagmamagandang-loob nito na nakasulyap sa magarang sofa. Umupo naman si Xandro at tiningnan ito sandali.
             Ang lakas-lakas mo naman pala, parang ang gaan-gaan  lang ng binubuhat  mo ah, siguro ay naggi-gym. Nagpupunta ka ba sa gym at saan naman?”
              "Hindi po Ma’am, nag-eexercise at nagja-jogging lang po ako sa palibot ng lugar namin, lalo na sa umaga,” simpleng sagot ni Xandro
               “So, ang pag-exercise mo sa lugar niyo at pagja-