jogging ang dahilan kaya ganyan ang katawan mo,” sabi lang nito na nakangiti sa kanya.
                 “Malamang… oo sa tingin ko,” agad na sagot ni Xandro.
          “Siyanga pala, gaano ka ba katangkad?” tanong nito mula sa kinauupuan nito.
          “Eksaktong 6’2”.


          “Matangkad ka, maskulado at talagang guapo,” sinabi nito ang totong opinyon nito sa kanya. “Sa tingin ko dapat subukan mong mag-artista. Hahabulin kang talaga ng mga talent scouts at aalukin ng kung anu-ano para mapapirma ka lang. Bakit hindi mo subukang manood ng mga television shows ng live sa isang studio. Sigurado akong mapapansin ka