pinakamamahal niya.  Dahan-dahan siyang lumipad papasok sa loob ng kanyang Delivery van.  Umupo at sumigaw ng “Xander!" agad na bumalik ang kanyang maiksing balbas at umiksing muli ang kanyang buhok.  Nanatili siyang nakaupo habang patuloy na iniisip ang pinakamamahal niyang si Althea.
             Pagkabalik nina Veronica sa Veron Appliance Center, agad niyang nakita si Lynette na mukhang malungkot.  Kaya kinausap niya ito subalit ngumiti lang ito sa kanya at tumingin sa malayo.
             Kaya ipinakita na lang ni Veronica ang kanyang mga pictures kay Lynette kasama si Super Xander.  Natuwa si Lynette ng makita rito si Xando na si Super Xander.  At lalo pa siyang natuwa nang makita niya ang nakadilat na mga