nakakatakot na mga pangil ni Xander.  Kaya imbis na lapitan niya at yakapin ay dahan-dahan siyang tumalikod at lumakad pabalik sa loob ng Greener Pasture Appliance Center.
            "Hoy Lynette bumalik ka rito, halika magpa-picture tayo kasama ni Super Xander," mabilis na tawag nito kay Althea.  Ngunit hindi siya pinansin nito, ni hindi nga ito lumingon bagkos ay nagpatuloy ito sa kanyang paglalakad na nakatungo ang ulo.
             Nakita ni Xander ang naging reaction sa kanya ni Althea.  Hindi niya makuhang maitago sa maraming tao ang kalungkutan niya kaya mabilis siyang lumipad papalayo sa mga ito na punong-puno nang kalungkutan.  Lumipad siya nang mabilis na mabilis, pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isipan ang takot na nabanaag niya sa mga mata ng babaeng