makunan si Veronica kasama si Xander.
              “Pwede bang magpa-picture ng isa pa sana Super Xander, ang gusto ko sana ay kasama naman natin ang lahat ng aking mga empleyada,” ang huling pakiusap ni Veronica kay Xander. Sa muli ay pinagbigyan ni Xander ang kahilingan ni Veronica at nginitian niya ito.
              Nagulat bigla ang kalalapit lang na si Althea sa kanyang nakita, namukhaan kaagad niya si Xander.  Si Daman si Super Xander!  Gulong-gulo si Althea sa nararamdaman niya sa mga oras na iyon.  Parang gusto niyang tumakbo papalapit kay Xander at agad na yakapin ito.  Subalit gaano man kalaki ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa binata ay pilit pa ring bumabalik sa isipan niya ang mga nakita niya sa gabing iyon. Hindi mawaglit sa isipan niya ang