mata ni Veronica. Maging ang isang picture na mukhang may susuntukin si Veronica ay nagpatawa kay Lynette.
"Hay mabuti naman at tumawa ka na riyan, nag-aalala na tuloy ako sa 'yo," sabi ni Veronica.
Dumating naman bigla si Xandro sa Appliance Center at lumapit kina Veronica at Lynette.
"Oy Xandro saan ka ba nanggaling ha at hindi ka tuloy nakasama sa pictures namin ng mga kasamahan mo dito? Sandali kayong dalawa lang ang walang bagong pictures ah..." puna ni Veronica.
Pinagmasdan ni Xandro ang ngayo'y nakangiti ng si Lynette. Natuwa siyang mukhang masaya na ito ulit, kaya nakuha na rin niyang muling ngumiti.
Hinatak agad ni Veronica si Xandro at pinatabi kay