Lynette. "Kukunan ko kayong dalawa ng letrato. Oy Xandro akbayan mo naman si Lynette tutal bagay din naman kayong dalawa, parehas kayong maganda at guapo,"
            Biglang nagkatinginan sina Lynette at Xandro, ngumiti lang si Xandro at agad na inakbayan si Lynette.  
            Kinuhanan naman agad sila ni Veronica ng pictures.
            "Ikaw talaga Veronica kung anu-ano ang mga naiisip mo nakakahiya tuloy dito kay Xandro," natatawang pahayag ni Lynette.  
             "Hindi gusto ko rin namang magpa-picture kasama kayo M'am Lynette," nakangiting pag-amin ni Xandro.
              "Sigi trabaho na ulit..." utos ni Veronica kaya nagbalikan na agad sila sa kani-kanilang mga trabaho.