Chapter 28

              Makalipas ang ilang araw, nakaupo si Xandro sa mamahaling sofa at naghihintay na may dumating na customer.  Habang may inaasikasong customer ang isang Saleslady, napansin ni Xandro na tumayo si Lynette at naglakad patungo sa water dispenser sa isang sulok ng Veron Appliance Center.  Gandang-ganda siya kay Lynette kaya hindi niya napigilan ang sarili niya na lapitan ito. Nakatalikod si Lynette habang kumukuha ng Nature's Spring Mineral Water.  Marahang naglakad si Xandro papalapit kay Lynette.