pasahero, takot na takot sila para sa kanilang buhay. Binilisan pa ni Xander ang paglipad at ng maabutan niya na ito sa wakas ay agad niya itong sinalo at binuhat mula sa ilalim at gitnang bahagi ng bus sa pamamagian ng kanyang dalawang mga kamay.  Kasalukuyang buhat-buhat ni Xander ang malaking bus at dahan-dahan niya na itong inililipad pababa ng kalsada nang biglang may narinig siyang sumisigaw at umiiyak nang,  "Tulong, tulong, tulong!” 
         Lumingon si Xander sa pinanggagalingan ng malakas na iyak at nakita niya ang isang dalagang pilit na kumakapit sa railings ng skyway.  Takot na takot itong malaglag mula sa kanyang kinakapitan.  Maya-maya ay tuluyan na itong nahulog mula sa sa kanyang pagkakabitin.  Tuloy-tuloy na nalaglag ang dalaga pababa.  Habang nasa ere, biglang