gumiwang-giwang ito pakanan at pakaliwa. Napagtanto ni Xandro na nawalan na ng control ang driver nito.  Naririnig na rin ni Xandro ang mga sigawan ng maraming tao.  Agad itinabi ni Xandro ang menamanehong Delivery van.  Palinga-linga siya, tiningnan niya kung walang nakakapansin sa kanya, matapos ay agad na sumigaw ng, "Xander!"  Naglaho agad ang kanyang maiksing balbas at humaba nang bahagya ang maiksi niyang buhok.  Lumipad siya palabas ng Delivery van. Lumipad nang mabilis si Xander at hinabol ang humaharurot at gumigiwang-giwang na ma malaking bus sa ibabaw at pinakamataas na bahagi ng skyway.  Hinabol niya ito ng hinabol hanggang sa tuluyan na itong bumangga nang malakas sa bakod ng skykway.  Tumilapon  agad  at nahulog palabas ng skyway ang malaking bus.  Sigawan ang mga