Habang nagmamaneho si Xandro pabalik, napadaan naman siya sa isang sikat na Fast Food Chain.  Gusto sana niyang bumili ng spaghetti at fried chicken, pero kailangan niya nang makabalik agad sa Greener Pasture Appliance Center.  Kaya nagpatuloy siya sa pagmamaneho.  Nadaanan naman niya ang naglalaking Billboards ng isang sikat na brand ng T-shirt, jeans, at sapatos.  Napadaan din siya sa isang kilalang pharmacy.  Nagpatuloy si Xandro sa pagmamaneho.  Yumuko siya nang bahagya at tiningnan sandali ang kanyang relo, nag-aalala kasi siya baka masyado siyang natagalan sa kanyang delivery kanina.  Hindi naman pala... maaga pa naman.  Pag-angat niya ng ulo niya para tingnan ang dinaraanan, nakita niyang may isang humaharurot na malaking bus sa di-kalayuan.  Maya-may ay