diyan. Ang gusto ko lang ay ang babaeng totoo kong minamahal. Iyan lang, ang gusto ko lang ay ang babaeng talagang mahal ko at mahal din ako,” ang sagot niya rito.
“Napakapalad ng babaeng mamahalin mo,” sabi lang nito. "Ito uminom ka muna ng malamig na soft drink."
"Sigi salamat." matapos uminom ni Xandro ay agad itong tumayo.. "Paano magpapaalam na ako baka kailangan na ako sa Appliance Center.
"Sigi, kapag bibili uli kami ng bagong appliances sa branch niyo uli kami bibili,” sabi at paniniguro ng babae kay Xandro.
Magalang na ngumiti si Xandro sa babae at dahan-dahang naglakad palabas ng bahay. Umakyat siya at muling sumakay sa van.