binitawan ni Xander ang buhat-buhat niyang malaking bus at lumipad  para habulin at saluhin ang ngayo'y pabagsak ng dalaga; ibinuka nang mabilis at malakas ni Xander ang kanyang mga palad at lumabas ang manipis na lubid, agad nitong pinuluputan ang malaking bus. Binilisan niya ang paglipad at sa isang iglap lang ay nasalo niya ang dalaga, kinarga niya itong mabuti ang mangiyak-ngiyak na magandang dalaga kanyang mga braso.  Napansin ni Xander na unti-unti nang dumarami ang mga nagkukumpulang  tao sa ibaba at kinukuhanan sila ng video gamit ang kani-kanilang mga camera.  Gulat na gulat ang mga tao sa kanilang nasasaksihan, hindi sila makapaniwala na sa panahong ito ay makakita sila ng taong napakalas at lumilipad, nagpapalakpakan sila habang patuloy na pinapanood ang