kabayanihan ni Xander. Nakatitig lang ang dalaga kay Xander habang karga-karga niya ito pababa. "Maraming salamat po sa pagsagip ninyo sa akin, manong," taos-pusong pasasalamat ng magandang dalaga kay Xander na nakatingala sa kanya. 
           "Walang ano man, kasiyahan ko ang makatulong sa kahit sinong nangangailangan," sagot naman agad nito.
           "Siyanga po pala, ano po ba ang pangalan niyo?" tanong ng taos-pusong nagpapasalamat na magandang dalaga na nakatingin sa guapong mukha ni Xander.
           "Xander, ako si Xander." 
           Patayo, dahan-dahan niyang inilipad pababa ng kalsada ang dalaga habang buhat-buhat at binabalanse naman nang nakapulupot na manipis na lubid ang