napakalaking bus.  Unti-unting namang inilipad pababa ni Xander ang malaking bus hanggang sa tuluyan nang sumayad ang mga gulong nito sa may kalsada.  Huminga nang malalim si Xander at agad namang umiksi at bumalik paloob ang manipis na lubid.  Labasan naman agad ang kanina'y takot na takot na mga pasahero.  Tumakbo silang lahat para salubungin ang ngayo'y pababa nang si Xander at ang karga-karga nitong dalaga.
              “Melanie! Andito ako!” sigaw ng isang masaya at nagpapasalamat na may-edad na babae.
               “Mom, Mom!” sigaw pabalik ng dalaga sa ina nito.
                Agad namang inilapag ni Xander ang dalaga malapit sa ina nito.