"Maraming salamat sa pagliligtas mo sa aking anak," pagpapasalamat ng ina kay Xander habang yakap-yakap nito ang anak sa mga bisig nito.
          "Wala pong ano man, paalam," sagot ni Xander at mabilis na lumipad palayo nang mapansing may papalapit na isang reporter, hawak-hawak ang isang microphone at may kasunod na isang cameraman.  
           Sa himpapawid ay may naisipan si Zander, mabilis siyang lumipad pababa patungo sa kanyang nakagarahing Delivery Van at mabilis na pumasok paloob. Mabilis na tinanggal ang sapatos at pantalon at pagkatapos ay mabilis na lumipad paitaas. Sa taas at sa himpapawid ay lumipad siya nang tuwid at paikot. Lumipad siya nang lumipad. Tumigil siya pagkalipas ng ilang sandali at iginalaw paatras ang kanyang mga balikat. Lumabas ang kanyang kulay brown na mga pakpak. Gamit ang kanyang mga pakpak ay lumipad siya ng tuwid at paikot. Muli siyang lumipad nang lumipad. Contented, ay nagpasya siyang lumipad pabalik sa kanyang nakagarahing Delivery Van. Sa loob ay kaagad siyang sumigaw ng, "Zander!" Muling tumubo ang kanyang maiksing balbas, ng sa gayon ay hindi siya makilala ng mga taong muling makakilala sa kanya.....