Chapter 10

          Nagmaneho si Xandro pabalik sa Veron Appliance Center na umaasang makikita si Althea, subalit pagkarating niya ng tahanghali ay wala pa rin si Althea roon.  Hinayang na hinayang si Xandro na hindi pa rin niya ito nakikita.  Pagpasok niya sa loob, napansin niyang wala pa masyadong customer.  Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina.  Maya-maya ay lumabas agad si Veronica.  "Xandro, kumusta naman iyong delivery mo, nagustuhan ba nila ang mga appliances?" tanong agad nito. 
          "Opo, nagustuhan naman agad ng babae iyong mga appliances."
          "Masaya akong marinig iyan. Sana ay maging regular na customer natin sila,” sabi nito na nakatingin kay Xandro.


           “Opo Ma’am Veronica. Sinabi niya sa aking sa atin sila muling bibili sakaling mangailangan uli sila ng panibagong