paliwanag pa nito.
"Sigi po tito basta sabihin niyo na lang ang lahat at bahala na kung anong mangyayari pagkatapos."
"Sigi sasabihin ko na, nagpapalipad ng--"
"Papa andito na po pala kayo sa bahay!" bulalas ng isang pitong-taong gulang na batang lalake habang nagmamadaling maglakad palapit kay Eric. "Aba, may bisita pop ala kayo dad, good evening sir.”
“Pag-ingatan mo iyang mga shopping bags Tonton,” utos ng asawa ni Eric sa isa niyang anak habang pumapasok siya paloob ng bahay. “Ilapag mo sa sahig nang dahan-dahan.”
"Ang pasalubong ko po sabi mo dadalhan mo kami ni kambal ng dried mangoes galing Cebu, asan na po ba at nang