matikman ko na,  aba may bisita po pala kayo 
papa, magandang gabi po."
             "Bata ka, basta ka na lang tumakbo papasok ng bahay hindi mo man lang tinulungan ang kakambal mong buhatin ang mga pinamili natin sa mall,"  saway ng asawa ni Eric na kapapasok pa lang ng bahay.
              "Oo nga ang daya-daya talaga nito, ako na lang lagi ang pinagbubuhat ng mga pinamimili natin," sabi naman ng isa pang batang lalake.  "Magandang gabi po papa, saka sa inyo din po manong."
              "Magandang gabi rin," sagot ni Xandro sa greeting ng dalawang bata.
              "Eric may bisita ka pala."
              "Oo, sandali di ba sabi n'yo matatagalan pa kayong