kinunan ang letratong ito, pwede po bang akin na lang 'to tito, wala na po kasi akong letrato ng mommy at daddy," pakiusap nito sa tito niya.
           "Para sa 'yo talaga 'yan, saka mayroon pa akong ibang copy niyan sa may album naming mag-anak," sagot nito habang umuupo sa harapan ni Xandro matapos patayin na muna ang TV.
            Seryosong-seryoso itong nakatingin sa pamangkin. 
            "Tito ano po ba talaga ang kailangan kong malaman sa mga nangyari noon at sa sinasabi mong tungkol sa tunay kong pagkatao?"
              “Hindi ko kasi alam kung paano ko ito uumpisahang sabihin at lalong hindi ko alam kung ano ang magiging reaction mo pag narinig mo ang buong katotohanan,"