Nang magkahiwalay sila noon sa may train station ng tito niya ay poro damit lang ang laman ng bag niya.  Matapos ang mga labing-apat na taon ay ngayon lang niya muling nasilayan ang mga mukha ng kanyang mga magulang.  Napansin niyang medyo kahawig siya ng daddy niya at sa tantya niya ay mukhang magkasingtangkad rin sila.
          "Siguro naman ay natatandaan mo pa ang letratong ito Xandro, kinunan  kayo ng letrato, ikaw at ang mommy at daddy mo matapos kang pabinyagan sa simbahan noon. Ibinigay ito sa akin ng daddy mo nang minsang bumisita siya sa bahay ko."
           "Mabuti po't naitabi niyo ito tito, naipakita niyo na ito sa akin dati nang maliit pa ako at natatandaan ko rin na sinabi mo na mga isang-taong gulang pa lang ako noon nang