loob ng kwarto naming mag-asawa. Naghintay sandali si Xandro at minabuti niyang pagmasdan muli nang mabuti ang buong kabahayan. Napansin niya ang isang malaking letrato ng Tito Eric niya kasama ang dalawang batang magkamukha at isang babae. Marahil ay ito ang asawa at mga anak ng tito, naisip niya. Binuksan ni Xandro ang tv at sinubukang manood ng news sa alas sayes ng gabi. Nanood siya ng sandali at maya-maya ay lumabas na galing kwarto ang tito niya na may dalang parang papel. Pagkalapit ni Eric sa kinauupuan ni Xandro ay agad niyang iniabot kay Xandro ang dala niyang lumang letrato. Pagkatanggap ay agad naman itong tiningnang mabuti ni Xandro. Napaluha siya ng kunti sa kanyang nakita, hawak-hawak niya ang kanyang lumang letrato kasama ang mommy at daddy niya.