habang nakasunod sa kanya si Xandro. "Sandali sususian ko lang ang pintuan ng bahay namin at mukhang hindi pa nga nakakauwi ang mag-iina ko."
Pagkabukas ng pinto ay agad namang pumasok ang dalawa sa loob ng madilim na bahay. "Sandali lang Xandro at bubuksan ko lang ang ilaw." Matapos ay nagliwanag agad ang buong kabahayan.
Nakita ni Xandro ang loob ng bahay ng tito niya, medyo kumpleto rin ito sa gamit. Pinaupo muna ni Eric si Xandro. "Upo ka muna riyan, sandali at may kukunin lang ako sa