Chapter 6

          "Medyo malaki din po pala ang bahay niyo Tito Eric," pansin ni Xandro pagkababa ng taxi.
          "Tama lang hindi masyadong malaki at hindi rin maliit, kung hindi ka nga lang nawala sana matagal ka na ring nakatira dito anak."
          "Pero wala na tayong magagawa tito nangyari na ang mga nangyari at masaya na rin ako at maayos rin pala ang kalagayan mo ngayon."
          "Halika na pasok ka sa loob ng gate," sabi ni Eric