Naunang sumakay si Zandro sa motorsiklo at ang kanyang uncle sa likuran at nakaharap sa West. Sa buong biyahe nila ay nanatiling tahimik ang tito ni Xandro, kaya naramdaman niya na talagang napakahalaga ng sasabihin nito sa kanya. Napakaseryoso ni Uncle Arthur malamang napakaimportante nito para sa kanya at malamang para rin sa akin, naisip ni Zandro.
"Tamang-tama at nanonood ngayon ng sini ang mag-iina ko, matatagalan pa ang mga 'yon bago makauwi ng bahay, magkakaroon tayo ng sapat na panahon na makapag-usap ng tayong dalawa lang, Xandro."
"Malapit lang po ba ang sa inyo Tito Eric, ha?"
"Mga twenty minutes lang siguro at nandoon na agad tayo."
Nanatiling tahimik sina Zandro at Arthur habang nagbibiyahe.