habang patuloy na nakatitig sa mukha ni Xandro.
            Matapos ay tumalikod na rin si Xandro at lumabas ng kwarto.  Halos wala nang mapaglagyan si Xandro sa sobrang kaligayahan niya.  Nakita na nga niya ang nawawala niyang tito, tapos maging si Althea na matagal na niyang inaabangan sa may train station ay nakita niya na ring muli sa wakas.
            Pero bigla rin niyang naisip ang ipagtatapat sana ng tito niya tungkol sa tunay niyang pagkatao kaya kinabahan siyang muli, at tinungo agad ang naghihintay na tito. 
           Pagkalabas niya nang tindahan ay agad niya itong tinawag pababa ng van. "Uncle, bumaba na kayo riyan at sumama sa akin. Sumakay kayo dito sa likuran ng aking motorsiklo para makapunta na tayo sa bahay niyo.