niya sa lupa. Matapos ay dahan-dahan siyang binitawan ng babae, ngumiti ito sa kanya. Hindi pa rin makapagsalita si Henry, titig na titig pa rin siya sa magandang mukha ng kanyang tagapagligtas. Napakaganda at napakabango ng babae. Ano kaya ang gamit nitong perfume, ginamit ba niya ito ng makita niya akong nagpapalipad kanina, naisip niya at nakangiting tanong ni Henry sa sarili niya. Maya-maya ay bahagyang umaangat uli ang babae, umaangat nang umangat at ilang sandali lang ay marahan itong lumipad nang patayo at paatras, umatras pa ito nang umatras at nagitla si Henry sa nakita sa malapit sa harapan niya. Unti-unting lumipad ang napakagandang babae pababa sa isang kalahating putol na katawan. Matapos muling magkadugtong ang dalawang putol na