ang kanyang katapusan.  Nasa may himpapawid pa rin siya pero naramdaman niyang tumigil siya sa pagbagsak. Paglingon niya sa may kanan ay nakita niya ang pinakamagandang babaeng nakita niya sa buong buhay niya.  Maya-maya ay napansin niyang may mga puting pakpak ang napakagandang babaeng ito. Mahaba ang buhok nito at nakasuot ng mahabang puting damit hangang talampakan. Kahit takot na takot siya para sa kanyang buhay ay hindi niya mapigilang ngumiti sa animo'y tila anghel na babaeng lumilipad. Nakatitig lang si Henry sa magandang mukha ng babae habang hawak-hawak siya nito at lumilipad pababa malapit sa napakalaking bahay.  Nabighani si Henry sa angking kagandahan ng babaeng lumilipad.  Maya-maya ay naramdaman na niyang unti-unting sumasayad ang mga paa