bundok na punong-punon ng mga puno.  Napakagandang pagmasdan ng bahay na 'to mula sa eroplanong pinapalipad ni Henry, kaya nagpasya siyang paliparin ang kanyang eroplano malapit dito.  Pagkalapit niya ay bigla na lang nagliparan ang napakaraming ibon at hindi na niya malaman ang gagawin dahil nagliparan ito patungo sa harapan ng kanyang eroplano.  Pilit niyang iniwas ang eroplano sa mga ibon subalit naramdaman niyang may kung anong sumabit sa harapan ng eroplano niya at bigla na siyang nahirapang i-control ito. Bumulusok paibaba ang eroplano at nagpaikot-ikot. Nahulog si Henry mula sa minamanehong eroplano pababa malapit sa napakalaking bahay. Naramdaman ni Henry ang malakas na hangin habang patuloy ang pagbagsak niya sa lupa, takot na takot siya at sa pakiramdam niya ay ito