huwag ka na munang magsasalita hanggat hindi ako natatapos mag-kwento."
"Opo tito makikinig lang po ako."
At nagsimulang isalaysay ni Eric ang mga pangyayari nang unang magkita ng mga magulang ni Xandro.
Mabuti naman at nakuha ko na ang aking lisensya sa pagpapalipad ng eroplano at ngayon ay pwedeng-pwede na akong magpalipad ng eroplano nang mag-isa, sa wakas ay makakalipad na ako sa kahit saan ko gustong puntahan. Masayang-masaya si Henry habang nagpapalipad ng eroplano sa itaas nang naglalakihang bundok. Nauhaw siya kaya binuksan at ininom niya ang dala niyang soft drink. Maya-maya ay may napansin siyang isang napakalaking puting bahay sa isang