pinagmasdan ang maraming punong-kahoy na nakapaligid sa buong kabahayan. Matapos ay kinuha ang isang upuan at inilagay sa malapit sa kinauupuan ni Xandro. Pinagmamasdang mabuti ni Xandro ang kanyang tito at napansin niyang medyo balisa ito at hindi mapakali habang nakaupo sa harapan niya. Matapos ay tumayo ulit ito at dumungaw sa isa pang bintana. "Xandro, siguro ito na ang tamang panahon para malaman mo ang buong katotohan sa pagkatao mo at ang mga nangyari noon sa mga magulang mo."
Nakikinig lang si Xandro hindi siya nagsasalita habang pinagmamasdan ang kanyang tito.
"Siguro ay mas magandang umpisahan ko ito noong unang magkita ang mama at papa mo, makinig ka lang at