bahagi ng katawan ng babae ay unti-unting naglaho ang dalawang pakpak nito. Nanlaki ang mga mata ni Henry nang maunawaang ang babaeng nagligtas sa kanya ay isang manananggal. 
          "Isa kang manananggal!" napasigaw si Henry sa sobrang gulat nito.  Maya-maya ay dahan-dahang lumapit sa kanya ang babae.
          "Huwag kang lumapit sa akin, huwag!" napaatras si Henry nang napaatras at pagkatapos ay biglang kumaripas nang takbo palayo sa napakagandang manananggal.  Tumakbo siya nang tumakbo nang hindi lumilingon, hindi niya alam kung saan siya tutungo.  Malayo-layo na ang natatakbo niya gamit ang kanyang bagong sapatos.  Takot na takot siya sa kanyang nasaksihan. Tumakbo pa siya nang