tumakbo hanggang sa dahan-dahan na siyang napagod, natumba at napaluhod.  Sa di-kalayuan ng kinaluluhuran niya ay nakita niya ang umaapoy, nagkalasug-lasog at nagkahiwa-hiwalay na mga bahagi ng kanyang maliit na eroplano.  Hingal na hingal pa rin siya sa kakatakbo kanina habang pinagmamasdan ang natira sa kanyang eroplano.  Maya-maya nang unti-unti nang mawala ang kanyang nararamdang pagod ay napaisip siya ng malalim.  Kung hindi ako iniligtas ng babaeng iyon ay marahil naging katulad na rin ako ng umaapoy at nagkaputol-putol kong eroplano. 
           Baka naman hindi talaga siya masama, baka may dahilan kung baket ako napadpad sa lugar na 'to. Tumayo siya at nilingon ang kanyang pinagmulan.  Dapat kong balikan ang babaeng 'yon para man lang mapasalamatan ito