ng epektibong detergent soap tuwing lalabhan niya ang mga damit ni Xander.
          "Baka ang ibig mong sabihin ay ikaw ang hindi mapakali pag nawawala ako nang matagal sa tabi mo, ha," biro ni Henry sa babaeng mahal niya. "Huwag kang mag-alala at babalik agad ako kinahapunan at saka isasama ko rin sa pagbabalik dito ang nakababata kong kapatid na lalake.  Mahilig sa beef steak iyon kaya tiyak magugustuhan din no'n ang sarili mong version ng beef steak, Aryanna."
          "Sigi ingat ka sa pagbaba mo sa bundok, basta sa hapon ay aasahan kong nandito ka na, maghihintay kami sa pagbabalik mo," paalala ni Aryanna.
           "Ba-bye na anak, aalis na si daddy..." paalam nito sa anak sabay halik sa pisngi nito.