Mga ilang oras pagka-alis ni Henry ay may mga nararamdamang mga kaluskos si Aryanna sa paligid ng bahay nila. Sumilip siya at nabatid niya na malapit nang dumating ang araw na kinatatakutan niya.
"Kuya ang ganda pala nitong bahay niyo ah ang laki kahit nasa itaas ng bundok nakatayo," pansin ng nakababatang kapatid ni Henry.
"Buti't nagustuhan mo ang lugar namin, maganda rito malawak ang lugar at presko ang hangin," sagot nito sa kapatid. "Aryanna! Andito na ako, asan ka ba ba't hindi mo ako sinasalubong gaya nang ginagawa mo palagi tuwing dumarating ako mula sa bayan?"
"Pasensya na may ginagawa kasi ako sa loob ng bahay," sagot ni Aryanna habang panay ang tingin sa palibot