ng kanilang bahay. "Dali, pumasok na agad kayo sa loob ng bahay Henry."
"Ito nga pala ang nakababatang kapatid ko, Annabelle."
"Kumusta..." bati ng kapatid ni Henry na naka-jeans.
"Dalian niyo na pasok na kayo sa loob ng bahay," nagmamadaling utos ni Aryanna sa dalawa.
Pagkapasok ng tatlo sa loob ng bahay, "May problema ba, ba't mukhang alalang-alala ka Aryanna, ha?" mabilis na tanong ni Henry. "At ba't ka ba lingon ng lingon sa paligid na parang may kinatatakutan ka?"
"Nahanap na nila ako Henry, alam na nila kung saan ako nagtatago at nag-aalala ako na baka madamay ka pa kaya