isa. Nagpakasal sila. At makalipas ang sampung buwan ay isinilang ang isang cute, guapong-guapo, at malusog na sanggol na lalake sa mundong ito. At makalipas pa ang isang taon at kalahati ang sanggol na lalake na pinangalanan nina Henry at Aryanna ng Xander ay lalo pang naging cute, guapong-guapo, at malusog na malusog.
"Xander aalis muna ang daddy ha at bababa lang muna ako sa bayan para ibili ka ng baby oil, baby powder, gatas at mga baby clothes, gusto mo nang mga 'yon ‘no..." puno ng pagmamahal sa anak na sabi ni Henry.
         "Bumalik ka agad Henry, baka mamaya hanapin ka agad ni Xander alam mo namang hindi mapakali ang anak natin pag hindi ka niya nakikita," paalala ni Aryanna na gumagamit