may-ari ng malaking puting bahay.
              "Baket ano bang gusto mong gawin sa loob ng bahay ko, ha?" nagtatakang tanong ni Aryanna.
.
              "Maglalaro tayo, takutan..." biro ni Henry.”Hindi, 'di ba sabi mo nagluluto ka ng manok at kambing, baka pwede mo akong pakainin muna, nagutom at nauhaw kasi ako sa kakatakbo ko kanina," paliwanag pa niya.
              "O sigi halika sa loob at ipaghahain kita."
               Sa loob ng napakalaking puting bahay ay kinain ni Henry ang lahat ng masasarap na pagkaing ibinigay sa kanya ni Aryanna. Talagang magaling itong magluto. At matapos ang ilang araw na kwentuhan at tawanan, sina Henry at Aryanna ay naging lalo pang naging malapit at umibig sa isa’t