"Sandali, ano nga palang pangalan mo, ha?"
               "Aryanna, ako si Aryanna," pagpapakilala nito.
               "Ang ganda-ganda pala ng pangalan mo, parang ikaw maganda rin, at inaamin kong ikaw ang pinakamagandang babaeng nasilayan ko sa buong buhay ko. Siyanga nga pala, may ibang mga kasama ka pa ba rito?" tanong muli ni Henry habang inaalam kung anong oras na sa kanyang bagong relo.
              "Hindi, ako lang mag-isa ang naninirahan sa malaking bahay na iyan, matagal na."
              "Ibig mong sabihin tayong dalawa lang ang nandito ngayon, ha?"
              "Oo," sagot naman agad ni Aryanna.
              "Nakakatakot naman..." pabulong na biro ni Henry.”Halika, pasok tayo sa bahay mo," anyaya ni Henry sa