ng mga paninda nito ay mabilis na nauubos, kaya maaga itong umaalis ng bahay para muling punuin ng mga paninda ang tindahan nito upang ang mga suki nito ay hindi lumipat sa mga kakumpetensyang tindahan sa kanilang lugar.
        Tumayo si Xandro at nagtungo sa kanyang kwarto. Matapos siyang makapagpalit ng damit at makapagsuklay ng buhok ay kaagad siyang lumabas uli at nakita niya ang kanyang mga kaibigan sa may sala ng bahay. Kumakain ang mga ito ng pizza.
       “Xandro, kumuha ka ng isang Shakey’s Pizza,” alok ni Roland, anak ni Aling Lucy.
       Umupo naman siya sa tabi nito at kumain kasama ng mga ito.